Buwan Ng Wika 2014

Matagumpay na ipinagdiwang ng Divine Word College of Laoag ang Buwan ng Wika 2014 na may temang “Filipino:Wika ng Pagkakaisa” noong Agosto 20-22, 2014.

Inumpisahan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng banal na misa sa umaga, Agosto 22 na pinangunahan ni Padre Edwin D. Fernandez, SVD. Sinundan ito ng isang palatuntunan sa hapon at dito iginawad ang mga premyo sa mga nagsipagwagi sa patimpalak sa Pagdidisenyo ng Bulletin Board at Madulang Pagbasa.

Ang unang gantimpala sa Pagdidisenyo ng Bulletin Board ay nakamit ng School of Engineering and Architecture, pangalawang gantimpala naman ang School of Nursing at pangatlong gantimpala ang School of Education.

Sa Madulang Pagbigkas, School of Nursing ang nanguna, pumangalawa ang School of Arts and Sciences at pangatlong gantimpala ang School of Business and Accountancy.

Sa pagdaraos ng simple ngunit makabuluhang programa’y naikintal sa isipan at puso ng mga mag-aaral ang mensahe ng Pangunahing Pandangal na si Dr. Maria Simeon-Lopez na “Araw-araw nating gamitin at ipagmalaki ang ating wika”. Idinugtong din ng ating pangalawang pangulo ng Kapakanang Pang-akademiko na si Prof. Romana L. Bitancor na “Ang Wikang Filipino ay tulay para sa pagkakaisa at siyang nagbibigkis sa atin para magmahalan”.

Lubos na nagpapasalamat ang Kapisanang Filipino, mga guro ng asignaturang Filipino at ang Dekana ng Edukasyon na si Dr. Glorietta B. Sabas sa lahat na nakiisa at nakibahagi para maisakatuparan ang pagdiriwang na ito.